Pagsusuri sa tula ni Amado V. Hernandez na "Isang Dipang Langit"
Nakilala ang husay ni Amado Hernandez noong panahon ng
Amerikano. Naisulat niya ang tulang ito
sa bartolina ng Muntinglupa noong Abril 22, 1952. Si Amado Vera Hernández ay
isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat
ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong
manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng
katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong
tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago
nagwakas. Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at
pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang
sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang Dipang
Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga
nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng
Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na
pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo
din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami
niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados
Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino
dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.
Noong Marso 31, 1952, hinatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo sa
sakdal na
―rebellion complex. Siya’y nanatili sa bartolina mula noong
Enero 1951 hanggang Hulyo 1956.
Naging instrumento
ang kanyang pagkakakulong para maisulat niya ang Isang Dipang
langit ,
Bayang Malaya, at Mga Ibong Mandaragit. Napawalang-sala
lamang siya noong 1964.
Isang Dipang Langit (Tula)
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit:
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
Sa paniniwalang tungkulin ng manunulat na maging budhi ng
lipunan at magpatunay sa kadakilaan ng diwa ng tao sa harap ng kalupitan, hindi
inalintana ng may-akda ang kanyang
pagkabilanggo. Ang kanyang mga akda ay lagi nang pumapaksa sa
nasyonalismo, demokrasya, at panlipunang
katarungan. Makatwiran bang ikulong ang isang taong nagpapahayag lamang ng kanyang
malayang damdamin at kaisipan? Layunin ng may-akda na maimulat ang bawat
Pilipino sa kawalan ng katarungan at pakikipagsapalaran ng mga manggagawa sa
lipunang bulok na sistema ang umiiral.
isa sa mga mensahe na nais iparating ng tula ay pagiging matatag sa kahit ano mang pagsubok sa buhay, ipagtangol ang sariling karapatan, laging mag tiwala sa sariling kakayahan at higit sa lahat manalig tayo sa diyos.
Ang tulang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa atin.
penge pinaka buod
TumugonBurahinMagandang gabi po, nais ko lamang po malaman kung bakit hindi lumalabas sa aking paghahanap ang tungkol sa aklat ni Amado Vera Hernandez na pinamagatang "Kabataa't Katandaan"
TumugonBurahinAko rin penge rin ng buod
TumugonBurahinice cream chillin
TumugonBurahinstream folklore by Taylor swift bitches
TumugonBurahinwhat are the basis of that text
TumugonBurahin